Bigtime oil price hike, muling sasalubong sa mga motorista

Ayon sa Unioil, naglalaro sa P12.20 hanggang P12.30 ang posibleng maging taas-presyo ng kada litro ng diesel habang ₱7 naman sa kada litro ng gasolina.

Bigtime oil price hike, muling sasalubong sa mga motorista

Hindi na mapipigilan pa ang “super bigtime” oil price hike na ipatutupad ng mga kompanya ng langis sa bansa.

Ang dahilan, epekto daw ito ng digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine na nagdulot ng pagsipa ng presyo ng petrolyo sa pandaigdigang merkado.

Ayon sa Unioil, naglalaro sa P12.20 hanggang P12.30 ang posibleng maging taas-presyo ng kada litro ng diesel habang ₱7 naman sa kada litro ng gasolina.

Samantala, na ₱9.70 hanggang ₱9.8 naman ang itataas sa kada litro ng kerosene.

Una nang ibinabala ng Department of Energy (DOE) na posible pang sumipa sa isandaang piso ang presyo ng gasolina sa mga susunod na linggo kung hindi pa huhupa ang pagtaas ng presyo ng langis sa world market.