Grupo ng provincial bus, umaapela ng full operation sa NCR

Nasa 15 porsiyento lang ng mga may dating prangkisa ang tumatakbo ngayon.Nagtataka raw si Yague kung bakit hanggang sa ngayon ay hindi pa rin sila pinapayagang makapasok sa Manila samantalang hindi naman sila dadaan ng EDSA

Grupo ng provincial bus, umaapela ng full operation sa NCR
Courtesy of Philkotse

Todo ang panawagan ng isang grupo ng provincial bus operators sa gobyerno na makabiyahe ang lahat ng kanilang bus units sa Metro Manila.

Ayon kay Alex Yague, executive director ng Nagkakaisang Samahan ng Nangangasiwa ng Panlalawigang Bus sa Pilipinas Inc, nasa 15 porsiyento lang ng mga may dating prangkisa ang tumatakbo ngayon.

Nagtataka raw si Yague kung bakit hanggang sa ngayon ay hindi pa rin sila pinapayagang makapasok sa Manila samantalang hindi naman sila dadaan ng EDSA para makarating sa kanilang mga terminal kundi tatawid lang naman daw sa naturang kalsada.

Kung maalala, kamakailan muling binuksan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang inter-regional na ruta ng mga provincial bus.