Kamara, tiniyak na gagawin ang lahat ng paraan laban sa pagtaas ng presyo ng langis
Iginiit ng Kamara na hindi sila dapat magtamad-tamaran sa ganitong sitwasyon habang ang mga kababayan ay naghihirap sa epekto ng walang tigil na pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Tiniyak ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na ginagawa nila ang lahat ng pamamaraan upang maibsan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng langis sa bansa.
Kabilang sa mga tinitingnan na solusyon dito ay ang pagsususpindi o pagbabawas sa excise tax sa langis.
Iginiit ng Kamara na hindi sila dapat magtamad-tamaran sa ganitong sitwasyon habang ang mga kababayan ay naghihirap sa epekto ng walang tigil na pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Gagawa ng paraan ang house leadership at hahanap ng solusyon sa nasabing krisis matapos na magsagawa ang Ad Hoc Committee sa Kamara ng pagdinig kaugnay sa oil price hike sa gitna ng Russia-Ukraine conflict.