Pagbuhay sa nuclear power bilang energy source, isinulong ng Pangulo
Executive Order 164 ay pag-aaral para sa adoption ng National Position for a Nuclear Energy Program sa bansa.
Naglabas si Pangulong Rodrigo Duterte ng executive order (EO) para sa pagbuhay ng nuclear power bilang energy source kasama na ang iba pang alternatibong energy sources.
Naniniwala ang Pangulo na kinakailangan ito upang makamit ang growth targets ng bansa.
Sinabi ng Pangulo na ang Executive Order 164 ay resulta ng EO 116 na inisyu noong 2020 kung saan ay isinulong ang pagsasagawa ng mga kinakailangang pag-aaral para sa adoption ng National Position for a Nuclear Energy Program, at nagtatag ng Nuclear Energy Program Inter-Agency Committee (NEP-IAC) na naatasang mag-aral sa preparasyon nito.
Sa ilalim ng EO na may petsang February 3 ngunit inilabas lamang nitong March 3, tiniyak ng pamahalaan na gagamitin lamang ang nuclear technology sa mapayapang paraan na nakaangla sa kritikal na prinsipyo ng public safety, national security, energy self-sufficiency, at environmental sustainability.