PRO4-A, RD Nartatez, tiniyak ang siguridad ng mamamayan sa kanilang nasasakupan lugar
Sa panayam ni KBP Calabarzon chapter president Roy Bato kay Brig. Gen. Nartatez, sinabi nito na nailatag na nila ang mga hakbang sa kaligtasan at siguridad ng mga magtutungo sa mga sementeryo ngayong undas.
Tiniyak ni Police Regional Office 4-A, Regional Director Brig. Gen. Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang siguridad ng mga mamamayan sa kanilang nasasakupang lugar particular ngayong panahon ng Undas at Kapaskuhan.
Sa panayam ni KBP Calabarzon chapter president Roy Bato kay Brig. Gen. Nartatez, sinabi nito na nailatag na nila ang mga hakbang sa kaligtasan at siguridad ng mga magtutungo sa mga sementeryo ngayong undas.
Partikular na paiigtingin nila ang pagsasaayos ng trapiko, pagbabantay at proteksyon sa mga kabahayan ng mga pamilyang magtutungo sa puntod ng kanilang mahal sa buhay.
Bukod dito, may nakalatag na silang contingency plan para sa mga sakuna o kalamidad at pagtukoy sa mga vital installation na kinakailangan na mabigyan ng siguridad.
Ayon kay Nartatez, isa sa kanilang security concern ngayon ay ang Masungi reserves, isang protected area na pag-aari ng gobyerno, POGO, mga tourist spots tulad ng mga beaches and resorts, hotels, 46 golf courses at iba pa.
Binigyan diin ng PRO4-A Chief ang PNP vision na “enforce the law, prevent and control crimes, maintain peace and order, ensure public safety and security with the active support of community.
Sa pamamagitan aniya nito, ang kumunidad ay magiging ligtas na tirhan at mag-negosyo.