Tuloy tuloy na serbisyo ng Police CALABARZON, tiniyak ni Brig. Gen. Nartatez Jr.
Sa panayam ni KBP Calabarzon chapter president Roy Bato kay Brig. Gen. Nartatez, hinggil sa kanyang mga programa, sinabi nito na isa sa kanyang programa ay ayusin ang police capabilities mula sa mababang unit pataas.
Tiniyak ni Police Regional Office (PRO4-A) Regional Director, Brigadier General Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang tuloy-tuloy na serbisyo ng kapulisan sa kanyang nasasakupang lugar.
Ang CALABARZON aniya ay abalang rehiyon at tahanan ng mga negosyante at turista.
Ayon kay Brig. Gen. Nartatez, ang Police CALABARZON ay may 13,700 police force at nagsisilbi sa halos 25 milyong populasyon sa rehiyon na may 1:1,200 ratio.
Sa panayam ni KBP Calabarzon chapter president Roy Bato kay Brig. Gen. Nartatez, hinggil sa kanyang mga programa, sinabi nito na isa sa kanyang programa ay ayusin ang police capabilities mula sa mababang unit pataas.
Kabilang din sa ayusin ni RD Nartatez ay ang human resources, materials at pinansyal bago ipatupad ang operasyon na kinakailangan, upang labanan ang anumang uri ng kriminalidad.
Kabilang sa tinukoy ni Nartatez ang 8 focus of crime at 8 complex crimes, tulad ng rape cases na kanilang nireresolba at nilalabanan.
Nakatutok rin aniya ang operasyon ng PRO4-A sa mga special events, crowd control at iba pang aktibidad.