LOREN, NUMBER 1 SA SENATORIAL SURVEY NG OCTA RESEARCH

NASUNGKIT NA NI THREE-TERM SENATOR AT DEPUTY SPEAKER LOREN LEGARDA ANG NUMBER 1 SPOT SA SENATORIAL PREFERENCES SURVEY NG OCTA RESEARCH. TAUS-PUSONG NAGPAPASALAMAT SI LEGARDA SA LAHAT NG MGA BOTANTENG WALANG SAWANG NAGTITIWALA, NAGMAMAHAL AT NAGBIBIGAY NG KUMPIYANSA SA KANYANG MAHUSAY NA SERBISYO PUBLIKO SA NAKALIPAS NA TATLONG DEKADA.

LOREN, NUMBER 1 SA SENATORIAL SURVEY NG OCTA RESEARCH
Courtesy of the Mnila Bulletin

NASUNGKIT NA NI THREE-TERM SENATOR AT DEPUTY SPEAKER LOREN LEGARDA ANG NUMBER 1 SPOT SA SENATORIAL PREFERENCES SURVEY NG OCTA RESEARCH.

 

SA SURVEY NA ISINAGAWA NOONG FEBRUARY 13 TO 17, NAKAKUHA SI LEGARDA NG 66 PERCENT NG MGA BOTO MULA SA 1,200 RESPONDENTS.

 

BUKOD DITO, NANGUNA RIN SI LEGARDA SA NAKUHANG 100 PERCENT AWARENESS MULA SA MGA BOTANTE.

 

NALAGLAG NAMAN SA IKALAWANG PWESTO ANG MAHIGPIT NA KATUNGGALI NI LEGARDA NA SINA RAFFY TULFO (NA MAY 63%) AT IKATLO SI ALAN PETER CAYETANO (61%).

 

SA NASABING SURVEY, BINIGYAN NG LISTAHAN NG MGA KANDIDATO SA PAGKASENADOR ANG MGA RESPONDENTS AT TINANONG KUNG ANG ELEKSYON AY GAGANAPIN NGAYON, SINU-SINO SA KANILA ANG IBOBOTO NILA BILANG SENADOR SA 2022 ELECTIONS.

 

DAHIL DITO, TAUS-PUSONG NAGPAPASALAMAT SI LEGARDA SA LAHAT NG MGA BOTANTENG WALANG SAWANG NAGTITIWALA, NAGMAMAHAL AT NAGBIBIGAY NG KUMPIYANSA SA KANYANG MAHUSAY NA SERBISYO PUBLIKO SA NAKALIPAS NA TATLONG DEKADA.

 

NANGAKO NAMAN SI LEGARDA NA MAS PAG-IIBAYUHIN PA NYA ANG PAGSESERBISYO AT PAGSUSULONG NG MGA BATAS NA MAKATUTULONG SA PAGBANGON NG MGA PILIPINONG NAWALAN NG TRABAHO AT NAAPEKTUHAN NG KRISIS DULOT NG PANDEMYA.