Marami pang Pinoy, naipit sa giyera ng Russia at Ukraine

Sa ngayon, umaabot na sa 55 Filipino seafarers mula Ukraine ang napauwi sa bansa ng pamahalaan at marami pa ang naiipit.

Marami pang Pinoy, naipit sa giyera ng Russia at Ukraine

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na marami pang Filipino ang naipit sa sagupaan ng Russia at Ukraine.

Kabilang na dito ang mga Filipino seafarers na inaasahang dadating sa bansa sa mga susunod na araw.

Una nang dumating sa bansa ang isa pang batch ng Pinoy seafarers mula Bucharest, Romania na binubuo ng 29.

Sa ngayon, umaabot na sa 55 Filipino seafarers mula Ukraine ang napauwi sa bansa ng pamahalaan.

Kabilang dito ang mga crew ng MV Global Aglaia, MV Joseph Schulte at MV Star Helena, na tumawid sa Moldova mula Ukraine.