Bilang ng international travelers na nagtutungo sa Pilipinas, dumarami
Tuloy-tuloy na ang pagtaas ng bilang ng international travelers na dumarating sa Pilipinas 45% aniya dito ay balikbayan, habang 55% naman ang foreign tourists.
Tuloy-tuloy na ang pagtaas ng bilang ng international travelers na dumarating sa Pilipinas, kasunod ng pagluluwag ng restrisksyon ng bansa, at pagbubukas ng borders nito sa mga dayuhan.
Sa public press briefing, sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo Puyat na nito lamang February 10 hanggang 28, umakyat na sa 47, 715 ang dumating sa bansa.
45% aniya dito ay balikbayan, habang 55% naman ang foreign tourists.
Ayon kay Puyat, patuloy ang ginagawa nilang pakikipag-ugnayan sa tourism stakeholders upang matiyak na sinusunod ang implementasyon ng minimum health protocols.
Pinaigting narin ng kalihim ang pagpapataas pa sa bilang ng mga nabakunahan at nabigyan ng booster shot sa mga tourism worker.