Mas maraming universities, magbabalik sa face-to-face classes sa 2022-2023 ayon sa CHED
Ayon sa ChEd na sa ngayon nasa 313 universities ang nagpahayag na magbabalik na sa in-person classes sa susunod na school year.
Kumbensido ang Commission on Higher Education (CHED) na mas dadami pa ang bilang mga mga unibersidad na babalik na rin sa face-to-face classes sa school year 2022-2023.
Sinabi ni ChEd chair Prospero de Vera na sa ngayon nasa 313 universities ang nagpahayag na magbabalik na sa in-person classes sa susunod na school year.
Kakaunti pa lamang daw ito sa ngayon, pero kapag mas nagluwag pa ang restrictions sa ibang lugar ay sigurado madadagdagan pa.
Sa guidelines na inilabas ng Inter-Agency Task Force (IATF) pinapayagan ang mga higher educational institutions na magsagawa ng face-to-face classes gamit ang 100 percent classrooms’ capacity sa Alert Level 1 areas base na rin sa announcement ng Malacañang noong Biyernes.